Mangkukulam.comKababalaghan at Alamat

Mga Pangontra Sa Aswang

Aswang from Filipino Folklore

Read This In English

MGA DAPAT TANDAAN UPANG MAITABOY ANG ASWANG

Bago mag ala-sais ng gabi, mag pausok ng kamangyan na may kasamang pinitpit na bawang at maliliit na sanga ng halamang makabuhay (o Tinospora Cordifolia, isang halamang gamot na makikita sa mga bansa sa asya tulad ng India, Sri Lanka at Pilipinas). Pausukan ang loob at labas ng bahay upang maitaboy ang aswang na maaaring nasa paligid lang.

Ang pinaka madaling paraan na alam natin na pagtataboy sa aswang ay ang lagging maglagay sa bulsa ng bawang. Karaniwang sa atin ay nagsasabit ng tinuhog na mga bawang at isinasabit sa bintana at pintuan ng bahay. Ito ay makakatulong upang sila ay lumayo.

Malakas ang pang amoy ng aswang sa mga buntis sapagkat ito ay isa sa gusting gusto nilang biktimahin sapagkat kinakain nila ang batang nasa sinapupunan ng ina. Upang maitaboy, mag sunog ng goma ng gulong. Kapag sila ay nakaamoy ng sunog na goma, ang pakiramdam nila ay natutunaw. Mas maigi na sial ay lumisan kaysa makaamoy nito.

Mas maigi na mag suot ang kulay itim na damit ang isang buntis. Sa ganitong paraan ay hindi nila maaaninag ang katawan ng nagdadalang-tao.

Ang karit na kadalasang ginagamit sa pagtabas ng palay at iba pang pananim, isabit mo ito sa bubong ng bahay o kaya sa bintana. Isa ito sa kinatatakutan ng aswang.

Madalas mayroon tayong pinagdududahang aswang lalo na sa mga probinsya. Para masagot ang inyong pag aalinlangan, gawin ang ganitong hakbang – Maglagay ng nakabaliktad walis tingting malapit sa pintuan ng bahay. Kapag ang pinag hihinalaan ay dumalaw at natumba ang walis tingting na walang gumagalaw nito, ang ibig sabihin sya ay isang aswang.

Kapag naman nasa loob ng inyong bahay ang pinaghihinalaang aswang, ilagay ang nakabaliktad na walis tingting malapit sa pintuan, ang iyong bisita na maaaring aswang ay hindi makakalabas ng iyong bahay. Magpapaalam sya ngunit hanggat hindi mo tinatanggal ang walis tingting, sya ay mananatili.

 

Kung ang pakiramdam mo ang aswang ay nasa paligid ng inyong tahanan, murahin daw ito at sabihin mong sya ay iyong kilala. Sa ganitong paraan, kusang umaalis ang aswang.

  

IBA PANG PANGONTRA SA ASWANG

  1. Buntot ng Pagi
  2. Bronze na metal - kadalasan ay ang bala ng baril
  3. Krus – karaniwang nagsusuot ng kwintas na may krus, isa rin itong pangontra sa aswang
  4. Cactus Plant – takot sila sa tinik ng cactus
  5. Kislap ng siniindihang pulang posporo
  6. Asin – Magsaboy ng asin sa paligid ng bahay
  7. Holy Water - ang banal na tubig ay mabisang pantaboy sa mga masamang espiritu o nilalang.

 

Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isa sa mga nito, maitataboy natin ang aswang. Maraming paniniwala at mga Pilipino, lalo na sa mga probinsya na hanggang ngayon ay kanilang ipinapasa sa mga sumunod na henerasyon.

 

Kwentong Mga Pangontra Sa Aswang

Meron kang kwento? Gusto mong share?

Ibahagi Ang Iyong Kwento



#15: Guest #1026 (Rammstein) - at 18:03 on 13 Nov 2018


Sa lugar pa naman namin, pag alas otso na ng gabi wala nang tao sa kalye at sobrang tahimik na. Kaya ang ibang taong nakatira sa lugar namin ay nagpapahatid na lang sa pedicab dahil madami ngang mga nakakaramdam ng kung anu-anong bagay. Habang pauwi ako ng bahay galing sa trabaho, medyo hating gabi na din yun. Wala na din masakyang pedicab kaya nagpasya akong maglakad, sa hindi maipaliwag. Ang tahimik na paglalakad ko biglang nabalot ng malakas at malamig na hangin. Sa daanang iyon, walang ibang liwanag kundi mga ilaw lang na nakasindi sa labas ng tahanan. Unang may simitsit sa akin sa likuran pero di ko ito pinansin, sa pangalawa at pangatlo ay palakas na ng palakas ang tunog nito kaya ako'y napalingon na inaakala kong nasa likod ko lang yung tao. Bahgya akong natigil para masdan ang paligid kung saan nanggagaling ang sumisisit, sa pagpapatuloy ko sana sa paglalakad at pagharap ko sa direksyon ng patutunguhan ko biglang tumambad sa harapan ko ang isang nakaputing mahabang damit na babae, mahabang buhok at walang mukha! Nanginig ang buong katawan ko! Pero di ako nagpatakot.... nilabas ko ang BURAT ko!!!! Ayun, NAGLAHO!!!

#14: adminkal - at 02:26 on 20 Feb 2018


Kung tayo ay existing sa mundo ito maniwala k rin dapat na bindi lng tayo nilikha ng MAHAL NA DIYOS AMA,sila Y isa ring nilikha na lumihis ng panNAmpalataya. Mung meron sa ibabaw ng lupa my ilalim may kalawakan rin wag tayo materyalisticc n mailangn iharap Ng ebidensyA para maniwala sila yaan mo sila wala silang mahihina pananampLataya

Ang aswang Y albularyo rin may dSal na katulad sa atin nasimba at naluhod kumakain ng bawang at nagsusuob din.tao rin ...shifter sa english aswang hayop T tao kopya ang mananagal yun na yun hindi shifter.madaming kwento na totoo pamilya kaibigan..ingatN lng kumain o malawayan sa oras n maysakkit.may dasal n latin para d maddetect ng may malamas na sixt sense.pagi di makabot sa hanpas simbilis sila ng hanggin hiniram yung buntot pagi namin iaangt p nya kamay nkatakbo na parang hangin.asin effective sa paligid isaboy pag umulan ulitin asin dagat.wag ung comercial.langis nyog na beditado may halong palaspas at bulamlak na alay sa ating DIYOS.tuyo na ihalo sa langis at magrosaryo ng 15 mysteries na masuotang babae sa babae at lalami nakapantalon e kandila sa altar. At ang efektibo sumasampalataya ay nicean creed.pag makikikain kalamansi xaw sabi nung tga capiz n nkakwentuhan ko za pcu dazma.di makatitig.kung may kakaiba at hinala binubulo gan para umamo maligo ng laging may asin at konting asin za dila araw araw 1wk.kung my sixsense ka may maririnig ka sa hangin bulong o may lamig ka mafeel sa likod parang hangin o yelo.nilalatin ka non.mas efective wg magdasl ng latin na ang latin pag naiba ang bigkas mo iba na meaning bka atrak u pa negatve energy.

#13: Guest #756 (harold) - at 03:26 on 17 Dec 2017


ang tita wena ni harold ay nakakita ng manananggal tapos hinagad daw sila tapos ang pangontra sa mananaggal



ay

#12: Guest #755 (harold) - at 03:26 on 17 Dec 2017


ang tita wena ni harold ay nakakita ng manananggal tapos hinagad daw sila tapos ang pangontra sa mananaggal



ay

#11: Guest #754 (harold) - at 03:26 on 17 Dec 2017


ang tita wena ni harold ay nakakita ng manananggal tapos hinagad daw sila tapos ang pangontra sa mananaggal



ay

5 older comments