Mangkukulam.comKababalaghan at Alamat

Tiyanak

Mangkukulam from Filipino Folklore

Basahin Ang "Tiyanak" Sa English

Anu Ang Tiyanak?

Sa mga rural na lugar dito sa Pilipinas kalimitang may maririnig tayong mga usapan tungkol sa mga ligaw na ispirito, multo, aswang, o mangkukulam, at iba pang kwento ng mga engkanto. Nakikita man o hindi. Ang ganitong paniwala ay kinaugalian na  nating mga ninuno, na pinalaganap at nadagdan ng sakupin tayo ng mga dayuhan. Ang mga Pilipino ay mahilig at ugali na ang maniwala sa mga kasabihan at pamahiin na patuloy na isinsalin sa kanilang mga anak at sa mga sumunod pang henerasyon.

Isang halimbawa sa mga ito ang tiyanak. Ang batang mapagkunwari…

Bata… lahat ay halos mahilig sa mga bata…

Paano kung batang halimaw pala ito????

Sinasabing ang mga ito ay ang batang hindi naisilang, o hindi nabinyagan bago sila mamatay. Ang mga matatanda ay naniniwalang ang mga ito ay sinapian ng mga masamang espirito, at ibinalik sa lupa para maghasik ng lagim.

Ang tyanak ay nagkukunwaring bata, umiiyak ng tulad nito, para Makita sila ng manlalakbay. Ang mga taga baryo, Kapag nakakita ng bata sa gubat, ay hindi nila ito masyadong pinapansin dahil alam na nila na ito ay isang halimaw na nagkunwaring bata.

Pero ang mga manlalakbay na napunta sa baryo ay maaari nilang kunin ito. At ang hindi nila alam, sya ay kakagatin nito, kukunin ang laman loob, at sisipsipin ang dugo ng tao.

Ang iba naman ay inililigaw sa gubat at nangunguha ng mga bata.

May mga pangontra din sa mga ganitong engkanto, kagaya ng pag susuot ng rosaryo at pagdadala ng bawang.

Kwentong Tiyanak

Meron kang kwento? Gusto mong share?

Ibahagi Ang Iyong Kwento



#3: Guest #1047 (Derrick p) - at 17:29 on 21 Feb 2019


Nung bata ako ang aming lugar sa paligid ay gubat at ilan lang ang mga bahay na magkakalayu pa..sa dapi hapon ay kumukuha ako ng tirang pagkain para sa alaga baboy..nung hapon na iyoy narinig ko ang iyak ng bata kakakatwa na nsa gubat marinig at malakas...di man ako natakot dahil di ko pa alam pero sa totoo takot sila sa natural na bagay kagaya ng mga kahoy kawayan sanga sanga na may tinik lupa..buhangin o bato.

#2: adminkal - at 07:50 on 25 Nov 2017


kung kakaiba man ang ibang sanggol hindi kinakatakotan nyan dapat din natin espektuhin o alagaan

#1: adminkal - at 09:28 on 24 Nov 2017


nakakatakot naman kasi nang aanyong btang umiiyak