Santilmo
Basahin Ang "Sigbin" Sa English
Anu Ang Santilmo
Ito ay kagaya ng bolang apoy.
Ang mga Pilipino ay maraming mga paniniwala katulad ng mga kaluluwa o hindi nakikitang nilalang na nakakasalamuha natin sa mundo, na nangangailangan din ng ating respeto. Isa na dito ang santelmo.
Isang uri ng liwanag na sa umpisa ay maliit at unti unting lumalaki at matingkad na liwanag.
Ang santelmo ay pinaniniwalaang mga kaluluwang namatay sa tubig, sa ilog, dagat o kaya naman kapag umuulan.
Ang kanilang kaluluwa ay nanatili kung saan sila binawian ng buhay. Mga hindi matahimik at patuloy sa paggala sa lupa. Ang iba ay humuhingi ng tulong para makaalis sila sa lupa at tumungo na sa langit. Ang iba naman naghihiganti sa kanilang pagkamatay.
Ang iba namang paniwala ito ay mga batang namatay na hindi nabinyagan.
Ang Santelmo din ay may kakayahang iligaw ang isang tao, katulad sa gubat. Kapag sinundan mo ang ilaw na ito ay hindi na makakabalik, o di kaya naman dapat may makakita sayo para maiwasan ang pagkaligaw sa gubat.
Ang ganitong kwento ay madalang na mangyari. Napaka kaunti din ng mga taong pinapakitaan.
Ang Santelmo na nagpapakita sa ilog o dagat ay pinaniniwalaang dahilan ng pagkalunod ng mangingisda o manlalakbay sa dagat.
Nagbibigay din daw ito ng swerte kapag nakakita ng ganito, pero depende kung ilang bolang apoy ang iyong nasaksihan.
Ang ibang taong nakaranas nito ay sinasabing kusang nawawala ang bolang apoy o unti unting nawawala ang liwanag.
Ang mga matatanda ay nagtitirik ng kandila kung saan nila nakita ang santelmo, sa pamamagitan nito, magkakaroon ng katahimikan ang kanilang kaluluwa at maka akyat sa langit.
#3: Guest #1089 (Nelly) - at 18:45 on 08 Nov 2019
Naranasan ito ng aking tatay nung mga kabataan pa niya. Kwento niya sa amin, nasa kalagitnaan siya ng ilog nung may nakita siyang bolang apoy na papalapit sa kanya. Sabi niya sa amin, na wag kang magpapakita ng kahit anong takot dahil lalo kang lalapitan ng Santilmo, kaya minura-mura at sinigawan niya yung Santilmo para lumayo sa kanya. Hindi naniniwala ang tatay ko sa kahit anong multo pero hindi niya tinatanggi na meron talaga siyang nakitang bolang apoy sa gitna ng dagat. Ewan ko lang kung totoo ang swerte na sinasabi ng article na ito dahil lumipas ng ilang tao, aaminin ko na naging maswerte siya sa buhay niya ngayon. Dati mahirap lang sila pero ngayon maraming nang puhunan.
#2: Guest #1081 (PAULYYDIKK) - at 12:42 on 03 Sep 2019
Nais ko lamang ibahagi ang aming karanasan nung kamiy ay nasa baitang anim. Nagkaroon ng activity ang aming paaralan iyon ay camping, lahat ng estudyante ay nagsasaya ngunit sa pagsapit ng alas otso ng gabi ay kinakailangan na ang mga bata ay nasa kani-kanilang silid na. Habang kamiy nagkwekwentuhan ng aking mga kamag-aral ay di namin namalayan ang oras ay maghahating-gabi na at sa hindi inaasahang pagkakataon bandang alas dose ng hating-gabi lahat kami ay nabigla sa aming nakita, sa harap ng aming silid ay may lumilipad at nagpapaikot-ikot na bolang apoy maya maya habang tinititigan namin ito ang bolang apoy na iyon ay mabilis nawala, sa hindi naming inaasahang pangyayari ay biglang may bumagsak na isang malaking bato sa bubong ng aming silid sa takot namin na baka kamiy puntahan ng bolang apoy ay tinawag na namin ang isa sa aming guro at humingi na kami ng tulong ngunit sa aming pagbalik sa silid ay nakita na lang namin ang batong bumagsak ay muling umapoy, sinabihan kami ng aming guro na magsipasok na sa loob at kanya na ring tinawag ang iba pang guro para humingi na rin ng tulong.
#1: Guest #1080 (Ligaya P. Chu) - at 12:46 on 01 Sep 2019
Grade 4 ako nun nang maranasan ko ang tinatawag na SANTILMO , palibhasa sa probinsya talagang bukam bibig na yan hinde ko alam kung totoo o panakot lang nang matatnda para hinde mag pa gabi na uwi ang mga bata, Isang madaling araw nun napabalikwas ako sa higaan at dahil nag titinda ako nang pandesal kailangan ko talaga gumising nang mas maaga para di ako maubusan nang ititnda at maunahan na din sa aking mga kostomer, medyo may kalayuan din ang Panaderya na aking kinukunan nang pandasal dahil napansin ko na halos tahimik pa ang paligid hinila ko ang tali nang asong aming alaga para may kasama ako , bago makarating sa Panaderya dadaanan ko muna ang isang malaking puno nang balite at isang napakalawak na bakanteng lote na sa gitna ay may malaking dalawang puno na napakataas na hinde kayang akyatain , agad akong kumatok sa Bintana nang Panederya naiisip ko napaaga ata ako dahil wala akong maaninag na liwanag mula sa loob at tahimik pa silang natutulog , may mahinang sumagot sa mga katok ko , walang lutong pandesal walang harina..., naiisip ko sayang ang aga aga ko pa naman , habang nag lalakad ako papauwi nakita ko sa may kalayuan ang liwanag na papalapit , sinipat sipat ko ito at labis ako nag tataka bakit hinde ko maaninag kung sino may hawak nang lampara, papalapit ito at lalong lumalaki hanggang bumibilis ang pag lapit , bigla ako kinabahan dahil lumipad ito at nag paikot ikot sa malaking puno, nag tago ako sa damuhan at hinigpitan ang kapit sa tali nang aso, sa paniniwala kong baka makita ako at tangayin ang aking kaluluwa, pinag mamasdan ko pa din sya lumipad ang santelmo nang napakabilis sa dulo nang puno at animoy nag laro dun at mula sa itaas mabilis din itong bumulusok pababa at bigla huminto nang malapit na sa lupa at muli itong lumipad palayo hanggang sa hinde kona nakita , kayat sinamantala kong tumakbo ako nang ubod nang bilis pauwi sa bahay at agad kong isinara ang pinto,,,...anung oras na ba? ganun nalang ang takot ko nang makita ko ang oras 12:10 midnight....
#4: Guest #1546 (?) - at 06:46 on 18 Aug 2023
This comment is awaiting moderation