Mangkukulam.comKababalaghan at Alamat

Abularyo

Mangkukulam from Filipino Folklore

Basahin Ang "Faith Healing" Sa English

Albularyo o manggagamot na gumagamit ng tradisyonal na halamang gamot. Karaniwang sila ang nilalapitan ng mga taong maysakit, kadalasan sa mga malalayong baryo ng Pilipinas. Ang mga modernong kagamitan o malalaking ospital ay bihira sa mga probinsya. Maliliit na klinika ang karaniwang matatagpuan sa rural na pook, ngunit ito ay may kalayuan sa mga baryo o bundok na tinitirhan ng mga mamamayan. Madalas aabutin ng ilang oras bago makarating dito. Ito ay isa sa mga dahilan uang ang mga maysakit ay lumalapit sa albularyo para magpagamot.

Ang sakit tulad ng pilay, na-engkanto, kinulam, ay karaniwang inilalapit sa Albularyo para magpagamot.

Ang Albularyo ay karaniwang mga matatandang manggagamot sa mga probinsya, ang kanilang kaalaman ay itinuro at nagpapasalin salin sa kanilang pamilya. Sinasabing ang kanilang panggagamot ay ipinagkaloob sa kanila ng Maykapal at binigyan ng pagkakataong tumulong sa kapwa. Ang mga Albularyo ay may kanya-kanyang pamamaraan ng panggagamot. Sila ay may kakayahang gamutin ang taong napilayan. sa pamamagitan ng mga halamang gamot tulad ng talampunay, kamangkaw, herba buena, langis ng niyog, karaniwang itinatapal ito sa bahagi ng pilay, pagkatapos hilutin.

Sa probinsya, karaniwang dinadala ang isang maysakit sa albularyo,kapag ito ay hindi nalunas ng makabagong pamamaraan ng panggagamot. Ang mga nakulam, na-engkanto, at iba pang sakit na dulot ng mga masasamang espiritu ay karaniwang nagpapagamot sa mga Albularyo. Ang Albularyo ay pinaniniwalaang may kakayahang magtaboy ng sumpa ng isang mangkukulam, nabati, sinapian. Kadalasang may isinasagawang ritwal o pag aalay para itaboy ito. Tiwala at paniniwala ang nagtutulak sa kanila para lumapit sa mga albularyo.

Ang Albularyo ay nanggagamot tuwing martes at byernes.  Naniniwala silang mas mabisa at epektibo ang kanilang ritwal sa ganitong mga araw.

Ang mga Albularyo ay hindi tumatanggap ng bayad, maliban na lang kung ang pasyente ay boluntaryong magbibigay ng donasyon pagkatapos ng panggagamot, pagkain man ito o pera.

Kwentong Abularyo

Meron kang kwento? Gusto mong share?

Ibahagi Ang Iyong Kwento