Mangkukulam.comKababalaghan at Alamat

Sigbin

Sigbin from Filipino Folklore

Basahin Ang "Sigbin" Sa English

Anung Uri Ng Ang Sigbin

Kung bibilangin ang mga kwentong engkanto sa Pilipinas, medyo maraming uri at may iba’t ibang kakayahan.

Meron isang kakaibang uri ng hayop na pinaniniwalaang matatagpuan sa Visayas at Mindanao lang. Ang hayop na ito ay ikinukumpara sa kambing o di kaya naman ay sa kangaroo.

Ang mukha ay katulad ng paniki, mahaba at matulis na pangil, mapupulang mata. Ayon sa mga taga panaliksik ito ay bagong tuklas na hayop na natagpuan sa Borneo, isang uri ng hayop na karniboro o kumakain lang ng karne. pero patuloy pa rin ang kanilang pangangalap ng impormasyon para matukoy kung ano talaga ito at mapag aralan na din ang ganitong klaseng hayop. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin patunay na sila ay nabubuhay.

Kaya naman siguro mapula ang kanilang mata dahil sila ay mas aktibo sa gabi.

At dahil maraming paniniwala ang mga ninunong Pilipino, isa din ito sa sinasabing kampon ng demonyo, o sugo ng mga masasamang ispirito. Ito din daw ay isa sa mga kasabwat ng aswang o sugo ng aswang.

Ang sigbin ay madalas sa gabi aktibo sa paghahanap ng kanilang pagkain. Ang laman loob ng tao, dugo at mga hayop ang kanilang kinakain. At kahit na patay na tao o hayop ay kinakain pa rin... Kaya siguro, ang sabi ng matatanda, ang amoy nito ay napakabaho.

Mabaho, nakakasulasok na amoy, o nakakasukang amoy….

Ang sigbin ay may mahabang buntot. Mas mahaba kumpara sa kambing. Ang kanilang mapulang mata ay dahilan siguro sa pagiging aktibo nila sa gabi. Sinasabing inuutusan sila ng aswang na maghanap ng biktima katulad ng mga hayop, kapag walang nahanap na taong pwedeng maging biktima.

Ang ibang tao ay naniniwala na kapag meron kang nahuling sigbin, ito ay nagbibigay swerte sa lahat ng bagay na iyong gagawin. Pero kailangan, panatilihin itong buhay, madalas inilalagak sa malaking banga at pinapakain ng dugo.

Ang ibang tao sa ibang probinsya ay naniniwala na kapag may namatay sa kanilang alagang hayop, madalas isinisisi nila ito sa sigbin.

Isa pang paniwala nila, ito ay kayang sumipsip ng dugo sa pamamagitan ng pag sipsip sa anino ng tao.

Isang hindi pangkaraniwang kakayahan.

Ang mga ganitong kwento ay batay sa mga matatanda na sinasabing nagkaron ng karanasan sa mga ganitong bagay. Ang kailangan lang gawin ay mag ingat palagi.

Kwentong Sigbin

Meron kang kwento? Gusto mong share?

Ibahagi Ang Iyong Kwento



#2: Guest #1261 (Marj) - at 12:10 on 04 Dec 2021


May sigbin daw po dito sa amin ano po kayang pweding gawin para ma wla ito? Patulong na man salamat.

#1: Guest #1143 (joel) - at 15:10 on 29 Sep 2020


sa lugar namin maraming nag sasabi na marami daw doon nakatirang sigbin mahilig daw nilang kainin ay kalabasa.may kwento pa akong narinig tunkul sa sigbin isang madre ang nag kwento sakin na may kaibigan daw syang nag aalaga ng sigbin kung gusto mo taw makita hahawak klng daw sa kamay nya.
at ito ang kwento about sa sigbin marming salmat