Mangkukulam.comKababalaghan at Alamat

Syokoy

Mangkukulam from Filipino Folklore

Basahin Ang "Syokoy" Sa English

Ang syokoy ay karaniwang ipinapareha sa sirena.

Ang itaas na bahagi ng katawan ay isda, at simula tyan pababa ay katawan ng tao. Kulay asul ang balat, matutulis na ngipin, malalaking mata, puno ng kaliskis ang katawan.

Sila ang itinuturing na taga bantay sa kaharian ng mga sirena sa ilalim ng dagat. pangkaraniwan sa kanila ang pagpatay sa mga tao. Sinasalakay ang sinumang tao na makita sa dagat. Para sa kanila ang tao ay salot. Kapag sila ay nakakita ng mangingsida, pinapatay ang mga tao at kinukuha ang laman ng bangka.

Walang puso at kinatatakutan ng mga naninirahan sa karagatan.

Sila ay may kapangyarihan para mag anyong tao. Meron din silang magandang boses. Sa pamamagitan ng pag awit, kaya nilang akitin ang mga babae.

Sa pamamagitan ng pag babagong anyo bilang tao, nakakapang akit sila ng mga babae sa pampang. Pinaniniwalaan din, sadya nilang binubuntis ang babae para madagdagan at hindi mawala ang kanilang lahi.  

Isa rin sila sa mga itinuturing na dahilan ng mga paglubog ng mga barko o bangka sa karagatan. Pagkakaroon ng masamang panahon at iba pang kalamidad na nagpapahamak sa mga tao.

Ang syokoy ay mahilig gumawa ng mga dekorasyon. Gumagamit sila ng mge perlas at iba pang materyales mula sa ilalaim ng dagat. Bilang palamuti sa akanilang kaharian. Ito rin ang ang sisilbing saplot sa kanilang katawan.

Hinahangaan ng mga sirena.

Ang sinumang sirena na pipiliin ng lider na syokoy ay ang pinaka maswerte at pinakamaganda sa lahat. Ang syokoy ang nagtatrabaho at naghahanap na kanilang pagkain, samantalang ang sirena ay para sa gawaing-bahay.

Ang ibang kwento ng syokoy ay naglalarawan na ito ay may magandang katangian, mahitsura at mabait.

Sila ay hindi tumatagal sa lupa. Kinakailangan nila ang tubig dagat para hindi mamatay.

Kwentong Syokoy

Meron kang kwento? Gusto mong share?

Ibahagi Ang Iyong Kwento