Mangkukulam.comKababalaghan at Alamat

Duwende

Mangkukulam from Filipino Folklore

Basahin "Duwende" Sa English

Duwende o nuno sa punso,

mga karaniwang katawagan sa mga maliit na nilalang na hindi nakikita ng mga karaniwang tao. Ang mga ito ay naninirahan sa gubat, puno, punso, o mga luma at malalaking tirahan na matatagpuan sa mga probinsya.

Ang dwende ay nagpapakita sa mga iilang tao lang, kapag ikaw ay kanilang nagustuhan. Katulad ng dwende na naninirahan sa bahay, ayon sa mga nakakakita, sila ay nakikipaglaro. Dinadala ng dwende ang taong   kanyang kinaibigan sa lugar nila. Sa mga karaniwang kwento na nagpasalin-salin sa bawat henerasyon, ang kanilang lugar ay isang paraiso na di inaakala ng tao na may ganito. Puno ng ginto ang kanilang kaharian. Sila ay mahilig mag kolekta ng mga iba’t ibang bagay. May kasabihan ang matatanda na kapag may nawala na bagay sa iyong bahay ito ay kinuha ng dwende, na kahit hanapin mo ay hindi makikita, at kapag napag pasyahan mong huminto sa paghahanap saka ito lalabas sa isang lugar na parang walang nagyari.

May mga dwende din na nagkakagusto sa tao. Karaniwan ay sa mga babae. Ito ay kanilang inaangkin ng hindi namamalayan. Dwende na laging bumibisita, at minsan , ay hindi pinapakain, hanggang sa bumagsak ang katawan at unti-unting namamatay.

May mga dwendeng sadyang mapaglaro, ito ay nakatira sa gubat, na kung minsan na may napadaan, sadya nila itong ililigaw sa gubat. Inililipad sa himpapawid. At ibabalik kung kelan nila gustuhin.

May mga dwende na sa punso naninirahan.

Sa mga gubat kapag ikaw ay may nakita, ayon sa kasabihan ng matatanda ay kailangang mag paalam kung dadaan o “tabi-tabi po’’ ay kailangang banggitin, para hindi sila maistorbo at magalit. Kapag sila ay nasaktan , ito din ang kanyang ipaparamdam sa taong nanakit sa kanya. Katulad halimbawa kung sila ay iyong napilayan sa paa, ganun din ang mangyayari sa ‘yo. Kung sila ay tinamaan mo ng bato sa mukha, ikaw din ay magkakaroon ng mga pasa sa iyong mukha. Ibabalik nila at ipaparamdam sayo kung ano ang ginawa mo sa kanila.

Mahilig din silang makipaglaro at magpakita sa mga bata. Kung minsan ay nakikita natin na mag isang nagsasalita, ito ay sinasabing may kausap na dwende.

May masasamang dwende at meron ding mabubuti. Ang mga pinaniniwalaang masamang dwende na nakatira sa bahay ay pinapaalis sa pamamagitan ng ritwal na ginagawa ng isang albularyo. At ang mabuting dwende na nananahan sa bahay ay kanilang hinahayaan na lang.

Bukod sa Dwendeng itim at puti, meron pang ibang uri ang mga dwende. Ayon sa aking nakapanayam kung saan sya ay may third eye at sinabi nya sa akin na sya ay nakakita na ng dwende.

Ayon sa kanya, ang itim na dwende ang mabait kabaliktaran ng sinasabi ng ibang tao. Ang pulang dwende ang pinakamasama sa lahat ng uri, dwendeng puti naman ang mapaglaro at tuso. At ang isa pang kulay ng dwende ay berde. Kung saan ito ay mahilig makipag laro sa mga bata ngunit mailap at medyo mahiyain. Kailangang suyuin.

Dwendeng Itim

Aking napag alaman sa aking pakikipag usap sa ilang tao tungkol sa mga uri ng dwende, karamihan sa kanila ay sinasabing ang dwendng itim ang pinakamasama sa lahat. Ang hitsura nito ay marungis, masama nag ugali at madalas pinag lalaruan ang mga taong kanyang matipuhan. Ngunit taliwas ito sa pahayag ng isa pang aking nakapanayam. Base sa kanyang kwento ang itim na dwende ay mapaglaro at swerte. Kapag daw ikaw ay nakakita ng itim na dwende, ito ay nakapagbibigay ng swerte sa iyong buhay, ngunit wag lang silang gagambalain.

Dwendeng Pula

Ang pulang dwende naman ayon sa kanya ay ang pinakamatapang. Sila ay nakakatakot, at kapag nagpakita sayo ay maaaring may mangyaring masama sa iyo o ibang miyembro ng pamilya. Huwag makipagkasundo sa dwendeng pula sapagkat ito daw ay tuso. Maaaring kapag ikaw ay nakipagsundo ay hindi nya tuparin ang inyong usapan. Hanggat maaari ito ay iwasan.

Dwendeng Puti

Ang dwendeng puti ay tahimik, kapag sya ay nagpakita, huwag kausapin dahil kapag nakuha nya ang iyong atensyon, ikaw ay paglalaruan nito. Ngunit ito ay mapaglaro lalo na sa mga bata. Kailangang mahinahon sa pakikipag usap sa kanya. Ito daw ay may kaalaman sa panggagamot sa mga nabarang.

Dwendeng Berde

Mapaglaro lalo na sa mga bata. Sinasabing ito ay swerte sa sugal. Ngunit huwag magtiwala dahil kung minsan ito ay pihikan. Ito ay mailap kapag tinawag upang kausapin, kaya kailangang suyuin. Gumamit ng bata kung ito ay tatawagin o kakausapin.

Marami man ang uri ang mga dwende base sa kanilang kulay at ugali, ang sabi ng matatanda at naniniwala sa kanila, ang mahalaga ay ang pagbibigay ng respeto sa kanila upang hindi maparusahan o paglaruan.

Katulad natin, kailangan din nila ang respeto mula sa atin.

kaya maging magiliw at magbigay respeto, sa kung anumang nananahan sa inyong tahanan.

‘’Nuno sa punso, tabi tabi po.’’

Kwentong Duwende

Meron kang kwento? Gusto mong share?

Ibahagi Ang Iyong Kwento



#28: Guest #1247 (Marie) - at 15:48 on 14 Oct 2021


Sana po matulungan nyo po ako...napaglaruan din po ang anak ko.
Sabi ng manggagamot natipuhan po cya,ang kinakatakot mo lng po eh lagi cya nilalagnat.
Hindi KO po alam kung Anong klaseng dwende.

#27: Guest #1243 (Francheska A lopez) - at 15:07 on 26 Sep 2021


Nag kasakit ang kuya ko pumunta kami sa alboralyo ang sabi niya dahil daw sa asawa ng kuya ko pinakain siya ng gulay na may mantika at tao nag kasakit saya lumipat naman sa kin

#26: Guest #1226 (Janine) - at 11:24 on 23 Jul 2021


Magandang hapon sa lahat gusto ko po sanang mag share ng experience ko tungkol sa dwende nung bata pako. Bagong lipat lang kami nun sa bagong pinatayong bahay nung time na yun di pa tapos Yung pinto so Ang ginamit na pang harang ay yero.Isang Gabi maghahapunan pa lang kami siguro nasa 7pm pa lng ng Gabi yun.Yung eldest Ate ko naghahanda sa mesa habang tinatawag kaming lahat. Ako naman ay nagbibihis at Yung isa Kung ate ay nakahiga sa kabilang higaan na kung saan ako nakapatong may lagnat sya nung mga oras yun. Sa pwesto Kung nasaan ako naroon Kitang Kita ko Ang pinto ng kusina namin na nakabukas habang nakaharap ako dun na nagbibihis maya maya namalayan ko may pumasok na maliit na tao na naglalakad na nakakapa na puti ,kulay itim Ang balat na kulubot Yung parang balat ng matatanda nakaharap at nakatingin sya sa ate ko na tumatawag samin kumain.Kinusot ko Ang mata ko ng ilang beses at pinikit at binuka ko pa Kung totoo ba Ang nakikita ko humakbang Sya papalapit sa ate ko habang ako titig na titig sa kanya maya maya humarap sya sakin nung time na yun dun ako nka ramdam ng takot dahil nakatingin na sya sakin kaya sumigaw ako at Dali Dali Kong tinabon sa mukha ko Yung damit ko.Namalayan ko nalang nasa tabi ko na lahat sila ate at si Mama .Sa ngayon na 27 yrs old nko Tanda ko padin Ang hitsura niya.Sabi ng manghihilot na kabitbahay namin nun.Na wag daw hayaang nkabukas Ang pinto kapag Gabi lalot daanan daw talga Yung bahay namin.Simula nun never na syang nagpakita pero base narin experience ko feel ko din mabait Ang itim na dwende kase so far Wala namang masamang nangyare samin.yun lang salmat

#25: Guest #1169 (Ferdz) - at 08:26 on 10 Dec 2020


minsan nailigtas na ako ng dwendeng green. One day kakagaling lang namin ng gf ko ex gf na now sa sm namili kami ng napakarami kasi medyo kumita sya nun that time nagkalat lahat ng mga plastik ng pinamili namin sa sahig as in covered lahat ng floor. Nag alarm na yun cp ko ng 5:30 pm kasi papasok sya at gigisingin ko sya para makapag prepare pag pasok. Pag bangon ko nagulat ako kasi pag tingin ko sa sahig gumagalaw yun plastik na parang may tumatapak ngayun pag pulot ko ng plastik bago ko pa maabot nagtaka ako bakit biglang tumigas at nagulat ako na duwendeng green ang nahawakan ko papunta sya sa tingin ko sa may aparador na pinaglalagyan ko ng candy as in madami kasi candy dun so ayun nga paghawak ko napatingin sya sa akin at pinatulog nya ulit ako nagulat na lang ako at 8pm na ng nagising ako galit na galit sakin ang ex gf ko kasi dapat 5:30 pa lang gigisingin ko sya. Pero mabuti na lang at hindi sya nakapasok kasi nagkaroon ng raid sa kanyang pinapasukan at kung nagkataon na pumasok sya at nahatid ko malamang nadamay pa ako. Isang beses lang namgyari yun na makita ko sya sa peraonal ang duwende minsan sa panaginip na lang sya nagpapakita. Eto po ang aking munting kwento. Sana may mag lighten up sakin dto sa mga experience ko

#24: Guest #1132 (Joshua) - at 13:17 on 21 Jul 2020


Masaya ako kasi may kaybigan din akong dwende pangalan nya ay Pedring nakarita sya sa halamanan namin kung minsan ay pumupubta sya sa loob ng bahay namin upang makipag laro sa bunso kong kapatid na 5 years old
hinahayaan ko lang kasi mabait naman si Pedring lagi nya kami binibigyan ng pagkain
at may time din naman na nararamdaman sya ng Nanay ko
lagi ko sya pinapakain tulad ng mga prutas
kahit pangit sa paningin ng ibang tao na nagmumukha akong baliw.
sabi kasi ng mga chismosa dito samin ano pinapakain ko eh di naman nababawasan

yun ang akala nila

kasi ang gusto lang naman ni Pedring ay yung mababanging amoy ng Prutas madalas binibigyan ko sya ng Saging at Bayabas
si Pedring ay may anak at Asawa ayon sa sabi nya sakin

kaya swerte kayo kung meron kayo dwende sa paligid kaya nga lang wag lang silang aabusuhin kung hindi naman kinakaylangan at wag mag hahambog kasi mas nauna nila malaman ang kwento at marunong silang mag basa ng isip ng tao

basta ang masasabi ko wag si aabusuhin
intayin mo kung ano ang iaabot nila para sayo .

5 older comments