Tikbalang
Basahin Ang "Tikbalng" Sa English
Isa sa maraming kwento ng maligno sa Pilipinas ang tikbalang.
Tikbalang na ang mukha at paa ay hitsura ng kabayo, at ang katawan ay katulad ng sa tao. Matangkad at mabuhok na kagayang ng kabayo. Nakatira sa masukal na mga gubat ng Pilipinas. Kadalasan ay sa malaking puno ng balete.
Ang mga maligno ay karaniwang ginagawang panakot ng mga magulang sa kanilang mga anak, para hindi lumabas o pumunta sa malayo.
Paano Mo Malalaman Na Ikaw Ay PinagLalaroan Kana Pala Ng Tikbalang
Ang tikbalang ay kilala sa hilig daw nitong manigarilyo ng malaking tabako habang nakaupo sa malaking sanga ng puno. Sila rin daw ay mapaglaro, siguro dahil sa napakalawak ng gubat at walang tao may mga pagkakataon din na sila ay naiinip. Kapag ikaw ay natipuhan nyang paglaruan, ililigaw ka nito, maglalakad ka ng napakalayo , pero sa kalaunan ay mawawari mo na ikaw ay nasa iisang lugar lamang.
O kaya naman sila ay nagbabalat-kayo. Nag aanyong tao na kalimitan ay ginagaya nila ang mga taong malapit sayo, ikaw ay kakausapin, sasamahan sa iyong paglalakbay. Habang naglalakbay, ikaw ay inililigaw. Hindi mo kaagad malalaman kung ano ang kanilang katauhan dahil na rin sa kanilang kapangyarihan at magaling magkunwari. Ayon sa mga kwento may mga pangyayari din na sadyang hindi ka na makakabalik sa iyng pinanggalingan.
Isang paraan daw para malaman mo na isa syang maligno, ay kapag may naamoy kang kagaya ng usok ng sigarilyo ng tabako.
Yun…. Kilabutan ka na!!!!!!
Ito Ang Kailangan Gawin Upang Kuntrahin
Baliktarin daw ang iyong damit para pangontra kapag ikaw ay iniligaw nya sa gubat. Bago ka magpatuloy sa loob ng gubat, magbigay respeto kagaya ng madalas na sambitin laban sa ibat ibang engkanto, ‘’tabi-tabi po, makikiraan po’’.
Sa ibang lugar ang buntot ng pagi ay ginagamit din pangontra dito.
At marunong din pala silang magmahal.
Ang kasabihang kapag umuulan habang matirik ang sikat ng araw, ang ibig sabihin , may ikinakasal na tikbalang. Pangkaraniwan na itong marinig lalo na sa mga probinsya.
Ang iba namang kwento tuwing bilog ang buwan sila ay lumalabas para makipag laro. Nag aanyong tao at nakikisalamuha sa mga ito.
Mapagpaniwala din ang mga pilipinong matatanda sa mga anting-anting. Kapag ikaw ay nagsuot nito na galing sa tikbalang, ikaw susuwertihin, kagaya sa sabong o iba pang sugal. Ikaw din ay hindi tatablan ng bala ng baril kapag suot ito. May kakaibang lakas ng katawan kumpara sa normal na taong walang anting anting.
Kapag may tikbalang na naninirahan sa punongkahoy malapit sa inyong tahanan, magdala palagi ng buntot ng pagi, o kaya isabit ito mismo sa puno, sa pamamagitan nito, kusang aalis ang tikbalang.