Mga Pangontra Sa Aswang
MGA DAPAT TANDAAN UPANG MAITABOY ANG ASWANG
Bago mag ala-sais ng gabi, mag pausok ng kamangyan na may kasamang pinitpit na bawang at maliliit na sanga ng halamang makabuhay (o Tinospora Cordifolia, isang halamang gamot na makikita sa mga bansa sa asya tulad ng India, Sri Lanka at Pilipinas). Pausukan ang loob at labas ng bahay upang maitaboy ang aswang na maaaring nasa paligid lang.
Ang pinaka madaling paraan na alam natin na pagtataboy sa aswang ay ang lagging maglagay sa bulsa ng bawang. Karaniwang sa atin ay nagsasabit ng tinuhog na mga bawang at isinasabit sa bintana at pintuan ng bahay. Ito ay makakatulong upang sila ay lumayo.
Malakas ang pang amoy ng aswang sa mga buntis sapagkat ito ay isa sa gusting gusto nilang biktimahin sapagkat kinakain nila ang batang nasa sinapupunan ng ina. Upang maitaboy, mag sunog ng goma ng gulong. Kapag sila ay nakaamoy ng sunog na goma, ang pakiramdam nila ay natutunaw. Mas maigi na sial ay lumisan kaysa makaamoy nito.
Mas maigi na mag suot ang kulay itim na damit ang isang buntis. Sa ganitong paraan ay hindi nila maaaninag ang katawan ng nagdadalang-tao.
Ang karit na kadalasang ginagamit sa pagtabas ng palay at iba pang pananim, isabit mo ito sa bubong ng bahay o kaya sa bintana. Isa ito sa kinatatakutan ng aswang.
Madalas mayroon tayong pinagdududahang aswang lalo na sa mga probinsya. Para masagot ang inyong pag aalinlangan, gawin ang ganitong hakbang – Maglagay ng nakabaliktad walis tingting malapit sa pintuan ng bahay. Kapag ang pinag hihinalaan ay dumalaw at natumba ang walis tingting na walang gumagalaw nito, ang ibig sabihin sya ay isang aswang.
Kapag naman nasa loob ng inyong bahay ang pinaghihinalaang aswang, ilagay ang nakabaliktad na walis tingting malapit sa pintuan, ang iyong bisita na maaaring aswang ay hindi makakalabas ng iyong bahay. Magpapaalam sya ngunit hanggat hindi mo tinatanggal ang walis tingting, sya ay mananatili.
Kung ang pakiramdam mo ang aswang ay nasa paligid ng inyong tahanan, murahin daw ito at sabihin mong sya ay iyong kilala. Sa ganitong paraan, kusang umaalis ang aswang.
IBA PANG PANGONTRA SA ASWANG
- Buntot ng Pagi
- Bronze na metal - kadalasan ay ang bala ng baril
- Krus – karaniwang nagsusuot ng kwintas na may krus, isa rin itong pangontra sa aswang
- Cactus Plant – takot sila sa tinik ng cactus
- Kislap ng siniindihang pulang posporo
- Asin – Magsaboy ng asin sa paligid ng bahay
- Holy Water - ang banal na tubig ay mabisang pantaboy sa mga masamang espiritu o nilalang.
Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isa sa mga nito, maitataboy natin ang aswang. Maraming paniniwala at mga Pilipino, lalo na sa mga probinsya na hanggang ngayon ay kanilang ipinapasa sa mga sumunod na henerasyon.
#31: Guest #1538 (?) - at 20:28 on 30 Jun 2023
This comment is awaiting moderation
#30: Guest #1515 (?) - at 09:19 on 24 Mar 2023
This comment is awaiting moderation
#29: Guest #1298 (Buligaw) - at 21:42 on 16 Jun 2022
noong bata pa ako at nagbubutis si mama sa aking kapatid, Madalas kong napapansin na laging maingay ang bubong namin tuwing gabi akala ko noon normal lang yun dahil sa mga pusa dahil tunog pusa sila. Pero noong nanganak na si mama nawala na yung mga pangyayari na yun. Magmulan noon kada may nakakasama ako sa bahay na isang buntis ay laging maingay ang bubong namin. Sabi ng lola ko pag umaatake sila, maghanada lang lagi ng asin at bawang dahil isa ang mga ito sa pangontra sa mga aswang.
#28: Guest #1240 (Camiel Campos) - at 14:20 on 14 Sep 2021
Iba pang kwento sa aswang
#32: Guest #1539 (?) - at 20:28 on 30 Jun 2023
This comment is awaiting moderation