Mangkukulam.comKababalaghan at Alamat

Agimat

Mangkukulam from Filipino Folklore

Basahin Ito Sa English

Agimat o anting-anting. Ito ay kilala sa Pilipinas. Ang taong nagmamayri nito ay magkakaroon ng di pang karaniwang lakas ng katawan. Ang iba ay naniniwalang kaya ka nitong protektahan mula sa bala ng baril, pana o palaso, maiiwasan ang pagkakasakit, o kaya naman swerte sa negosyo. Ang mga taong madalas magsabong, ay naniniwalang mananalo sila dito kapag nasa katawan ang isang agimat.

May iba't-ibang klase ang agimat. Ang inukit mula sa bato na agimat ay maaaring gawing kwintas, pulseras o kaya naman ay sinturun. Ito ay isang pambihirang uri ng bato at madalang makita. Ginagawan din ito ng iba't-ibang disenyo.. Para maging epektibo, kailangan ng orasyon, dasal at dapat ito ay ginawa ng isang taong may kaalaman sa agimat. Iba't iba rin ang hugis nito, pahaba, pabilog o kaya ay katukad ng barya. Nagkakaron ng bisa ang isang agimat sa pamamagitan ng isinasagawang orasyon, dasal o ritwal. Ang parte ng isang hayop ay maaari ding gawing agimat.

Agimat na isinusulat ay isa pang klase nito. Isinusulat sa papel o tela ang taludtod ng dasal, meron ding nakalagay ng imahe o simbolo. Kinakailangan ng ibayong pag iingat dito sapagkat mawawalan ito ng bisa kapag ito ay nasira.

Ang agimat ay karaniwang pag aari ng isang tao na kinakailangang ipamana sa kanyang panganay na anak na lalaki o sinumang kapamilya. Ito ay patuloy na nagpapasalin salin sa bawat henerasyon. Ang tagapagmana ay kailangang sundin ang mga patakarana kung ano ang tamang paggamit dito, ang hindi pagsunod ay nangangahulugan ng pagkawala ng bisa nito. Ang agimat ay mas malakas sa panahon ng semana santa. Kailangan din magsagawa ng panibagong ritwal o dasal nang sa ganun, mas mabisa at epektibo ito.

Noong unang panahon, halos lahat ng mga tao ay may pag aaring agimat, naniniwala silang ito ay nakakatulong at naglalayo sa kanila mula sa kapahamakan.

Kwentong Agimat

Meron kang kwento? Gusto mong share?

Ibahagi Ang Iyong Kwento



#1: Guest #1295 (Shane) - at 15:14 on 18 May 2022


Paano po makakaluha nito?