Manghuhula
Basahin "Manghuhula" sa English
Dito sa Pilipinas, marami ang mga pinaniniwalaan, katulad ng engkanto, aswang at marami pang iba. Naniniwala din sila na may mga taong may kakayahang magsabi ng maaaring mangyari sa hinaharap. Ang pagpapahula ay isa sa inaasahan ng iba na makakapagpabago ng kanilang buhay, sapagkat, dito nila malalaman kung may swerteng nag aantay sa kanila sa kinabukasan o di kaya naman, maiiwasan nila ang mga masasamang pwedeng mangyari.
Ayon sa mga nakausap ko na nagpahula, ang iba ay nangyari samantalang marami din ang hindi.
Kadalasan nilang tinatanong kung sino ang makakatuluyan nila pang habang buhay, kung susuwertehin ba sila sa negosyo o trabaho, ang iba ay nagpapahula kung sino ang taong naiinggit o may galit sa kanila at marami pang kadahilanan.
Dito sa Maynila, kadalasang makikita sila sa Quiapo. Ang iba ay nasa bangketa lang, ang iba naman ay may sariling opisina. Tarot cards, guhit sa palad, bolang kristal, ilan lang ito sa mga ginagamit nilang kagamitan sa kanilang panghuhula.
Mayroon din silang ibinebenta na mga pangontra sa malas pagkatapos ng pagsasagawa ng panghuhula. Katulad ng anting anting, pagtitirik ng kandila, medalyon at iba pa.
Ilan sa aking mga naka usap na nagpahula, madalas isa o dalawan ang natutupad sa kanilang ipinahula, marami ang hindi nangyari. May nagpahula din kung sino ang kanyang makakasama habang buhay, ayon sa kanya ito ay nagkatotoo, at patuloy pa rin nyang tinatangkilik ang pagpapahula sa Quiapo. At marami sa aking napagtanungan ang nagpahula tungkol sa pagibig. ….mmmm bakit kaya? Masyado na ba silang nagmamadali na magkaroon ng asawa? At marami rin sa kanila ang nagsabi na hindi ito nag ka totoo.
May nagpapahula din kung paano nila mababawi ang nawalang gamit at paano ito maibabalik sa kanila.
Iba’t iba ang paniniwala ng bawat isa, na hindi basta mababago ng sinuman, pero sa aking pananaw ang buhay ay base sa kung paano mo ito gawin ayon sa iyong kagustuhan.
#1: maiden.zest - at 09:53 on 28 Aug 2015
Ang panaginip kaya ay maaaring magkatotoo?