Kamatayan
Kapag narinig mo ang salitang kamatayan, nakakakilabot, paano pa kaya kung si kamatayan mismo ang nagpakita sayo? Ano ang gagawin mo?
Kamatayan, ito ang tawag kapag ang isang tao ay binawian ng buhay. Ang isa pang kahulugan ng salitang Kamatayan, ay sinasabing ito ang nagsisilbing taga sundo ng kaluluwa ng isang tao bago bawian ng buhay. Ang karaniwang pagkakalarawan sa imahe o anyo ni Kamatayan ay anyong lalaki na nakasuot ng itim na damit, nakabalabal at may dalang lingkaw o karit.
Ang pagpapakita ni Kamatayan sa isang tao ay tanda na sya ay malapit ng sunduin nito, maaaring magkaroon ng isang pangyayari katulad ng di inaasahang aksidente. Ang iba ay nauuwi sa malagim na trahedya, pagkakasakit at iba pang kadahilanan. Ayon sa mitolohiya, may mga paraan para ito maiwasan. Ngunit sa bandang huli sya ang nananaig. Bawat sandali ay kanyang pinakahihintay upang matamo ang kanyang hinahangad, ang kunin ang kaluluwa ng isang tao.
Maraming mitolohiya at kwento ukol dito. Isa lamang itong patunay na ang kwento ni Kamatayan ay nagsimula pa noong unang panahon na hanggang sa ngayon ay marami pa rin ang naniniwala at patuloy na pinag uusapan ng mga tao.
May mga pelikula at libro na rin ang naipalabas at nailathala tungkol kay Kamatayan. Ang kanyang kwento ay nanatili. Madalas sya ay kinatatakutan.
Kung si kamatayan ay totoo, san nya naman dinadala ang kaluluwa ng isang tao?
Ang paniniwala ng iba ay ito mismo ang demonyo at kanyang dinadala ang kaluluwa ng tao sa impyerno.
Scary huh!!!
#1: Guest #908 (Carlos gannaban) - at 06:48 on 31 Mar 2018
May impiyerno po pero di pa siya nag eexcist. Paniwalang paniwalang nanaman po kayo.ang DIOS Lang ang nagtatakda ng kamatayan NG tao Hindi po ung haka haka lang