Manananggal
Ano Nga Ang Mananggal?
Maraming uri ang aswang.
Isa na dito ang tinatawag nating manananggal.
Bakit nga ba manananggal ang tawag sa kanila?
Dahil isa rin itong uri ng aswang , pareho lang ang kanilang kinakain, lamang loob na tao, sanggol sa sinapupunan ng ina, sariwang dugo ng tao.
Pag Babagung Anyo Ng Asawang
Sa hating gabi sa tuwing sila ay maghahanap ng kanilang pagkain, ang manananggal ay nagbabagong anyo. Nagmula sa pangkaraniwang tao, sila ay nagiging halimaw, nakakatakot, kulubot na mukha, matutulis at matalas na ngipin at kuko, nakakapangilabot na anyo, nanlilisik na malalaking mata. May tumutubong malaking pakpak sa kanilang likod, para sila ay makalipad. Sa kanilang paglipad, nahahati ang kanilang katawan. Ang pang ibabang kalahati, mula tiyan hanggang paa, ay naiiwan sa lupa. Mag sisimulang lumipad sa himpapawid ang kalahating itaas na katawan ng manananggal. Dito na sila magsisimulang maghanap ng biktima o kanilang pagkain. Ang dila ang kanilang ginagamit para salakayin ang kanilang biktima. Ang dilang matulis at manipis ay humahaba.
Anu Ang Kinakain Ng Aswang
Pangkaraniwan na nating naririnig sa mga matatanda ang ganitong kwento na isa sa kanilang paboritong biktima ay ang mga buntis. Sila ay lilipad patungo sa bubong ng bahay ng isang buntis. Mula sa bubong ay humahaba ang matulis na dila patungo sa tiyan nito, sisimulan ang paghiwa at pagkuha ng sanggol sa sinapupunan ng ina.
Palatandaan Kapag May Manananggal
Ang ibong tiktik ay isa sa mga palatandaan na may manananggal sa paligid. Tiktik, kikik (sa bikol), o ibong tikling ay walang tigil ang paghuni na isang ginagamit na panlilinlang ng manananggal. Kung ito daw ay malakas sa iyong pandinig ito ay malayo…. At habang nawawala o lumalayo ang tunog ng kanilang huni, ibig sabihin nito ang manananggal sa nasa paligid lang.
Panguntra Upang Hindi Makalapit
Ang pangontra laban dito ay katulad sa ginagamit sa mga aswang. Asin, buntot ng pagi, sinag ng araw, bawang. Sinasabing kapag natagpuan ang kalahating bahagi ng katawan nito sa lupa, kinakailangang lagyan o sabuyan ang pinaghatian nito. Sa pamamagitan nito ang itaas na bahagi ng katawan ng manananggal ay hindi na makakabalik sa kalahati nito. Bago sumapit ang bukang liwayway kailangan nilang bumalik bilang pangkaraniwang tao. Dahil kapag sila ay nasinagan ng araw sila ay masusunog hanggang sa maging abo.
Pag Sasalin Lahi
Ipinapamana din ito sa kanilang anak. May sinasabing ritwal na ginagawa para isalin ito sa isang tao. Sa aking narinig mula sa mga kwento ng matatanda sa aming probinsya, ang manananggal ay may sisiw na buhay sa loob ng kanilang katawan na kinakailangang panatilihing buhay.
#2: Guest #1104 (Jay An Jabagat) - at 04:43 on 18 Mar 2020
Ako si Jay An
11 years old
Noon ay nag camping kami sa paaralan namin nakwento lamang to sa akin.Ang nag kwento sa akin ay aking mga kamag aral.kweninto nila sa akin na isang gabi daw habang natutulog sila ay may narinig silang huni ng ibin pero ito ay kakaiba (kikik,kikik,) yan ang huni ng ng ibon na subrang lakas kaya alam nila na malayo ito.
#1: Guest #1022 (jim tadeusz pen name) - at 16:59 on 31 Oct 2018
Meron akong kuwento mahaba nga lang nobela. Salamat sa idea ng sisiw. Now i have a real plot.
#3: Guest #1114 (Dextlean amoin) - at 08:54 on 08 May 2020
Kagabi ng teleskoppiyo kami sa buwanang laki kasimay nakita kami ma nananggal na lipad lipad sa buwan sabi ng lola ko mahilig sila sa takdol na buwan at nag handa kami ng asin bawang at hindi kami nakatulog kinukwentuhan kami ng lola ko tungkol sa aswang para laging handa kung meron na siya at sabi ng lola ko hindi dapat natin sayang sayangan ang asin baka may manananggal wala tayong pan laban kaya hindi kami nag sayang ng asin ay laging handa pag may manananggal kayo dapat laging handa totoo ang manananggal mahilig sila pag malaki ang buwan lumalabas sila uwang na uwang ang aso pagg natulog nakami ng pray kami para walang lalapit sa amin din nag lagay kami ng asin sa bintana sa sahig