Wak-wak
Basahin Ang "Wak-wak" Sa English
Anung Uri Ang Wak-wak
Itinuturing na isang uri ng aswang.
Ito ay isa rin sa mga kwentog mitolohiya sa Pilipinas. Sila ay mas aktibo tuwing gabi. Katulad ng aswang sila rin ay kumakain ng tao o hayop, sumisipsip ng dugo. Ang kwento ng matatanda, ito ay kamukha ng ibong uwak, ang iba naman ay sinasabing kagaya ng hitsura ng paniki.
Ang Wak-wak ay may malalaking pakpak na nagbibigay ng malakas ng ingay sa kanilang pagpagaspas. Ito rin daw ay sinasabing sugo at kampon ng manananggal. Sila ay kinakasangkapan ng manananggal para linlangin ang mga tao, ng sa ganun, mas madaling makakalapit ang isang manananggal sa kanyang biktima.
Ang ibong ito ay pinaniniwalaang nakatira sa gubat, kuweba, ang iba naman ay sa bahay mismo ng manananggal.
Pwede Silng Magpalit Ng Anyo
Sa araw sila ay nag aanyong maliit na ibon kagaya ng uwak. Ang kanilang kulay ay hindi pang karaniwang itim. Ang kulay ng tuka at paa nito ay purong itim din. Sa araw ay patuloy ang kanilang pag mamanman sa baryo, naghahanap ng taong may karamdaman, o di kaya burol. Pagsapit ng gabi mas madali na nila itong masasalakay.
Panakot Sa Wak-wak
Ang mga tao ay nagsasaboy ng asin sa paligid ng bahay pati na rin sa loob, nagsasabit ng bawang sa bawat bahagi ng tahanan, o di kaya ay naglalagay ng walis tingting sa may pintuan na nakabaiktad, ng sa ganun ay hindi sila makalapit.