Engkanto
Basahin Ang "Engkanto" Sa English
Saan Ng Mula Ang Diwata
Engkanto o Diwata ang isa pang katawagan ay mga tinuturing na anghel mula sa langit, at dahil sa kanilang pagsuway sa Maykapal, sila ay pinarusahan at itinapon sa lupa. Ang iba ay sinasabing naninirahan sa gubat, mga ilog o matatandang punongkahoy katulad ng balete.
May babae at lalaking engkanto. Engkantada ang tawag sa babae, at Engkantado naman sa lalaki. Hindi pangkaraniwan ang kanilang ganda, magandang mukha, maputi o maputla ang kanilang balat, malaginto ang mahahabang buhok, asul na mga mata at mas matangkad kumpara sa mga pangkaraniwang tao.
May Mabait At Masamang Engkanto
Ayon sa mga albularyo, may mabubuti at masasamang engkanto. Ang mga mabubuting engkanto na nakatira malapit sa inyong tirahan ay hinahayaan na lang, sapagkat sila ay nagbibigay din ng swerte sa kanilang pamumuhay at kalusugan.
Ang iba naman ay mapaglaro. Kapag sila ay galit sayo,, ikaw ay magkakasakit na hindi nagagamot ng modernong medisina.
Kapag napasyal ka sa ilog at may nakitang babae na hindi pangkaraniwang tao na nakatira sa baryo, ito ay pinaniniwalaang diwata o engkantada na nang aakit. Mag aalok ito ng mga bagay o pagkain. Sa mga ganitong pagkakataon, dapat huwag tanggapin ang anumang bagay na magmumula sa kanila. Ang ibig sabihin kapag tinanggap mo ito ay ang pagkuha nya din ng iyong kaluluwa bilang kapalit.
Ang Engkanto ay maaari ding umibig sa mortal. Pero hindi dapat suklian ng pagmamahal, dahil ito ay nangangahulugan ng iyong kamatayan. Dadalhn nya ang iyong kaluluwa sa kanilang mundo.
Kapag ikaw ay nagpunta sa gubat at may may narinig na boses ng mga nagkakantahan, nagtatawanan, ito ay nangangahulugang sila ay may ginaganap na kasiyahan. Sa mga ganitong pangyayari, dapat ay hayaan lang, wag magtuturo o magbabanggit ng kahit ano tungkol sa mga narinig, nakita o naramdamang kakaiba. Mas maigi din na bago magpatuloy sa paglalakad, magbanggit ng paghingi ng permiso o sabihin lang ''tabi tabi po, makikiraan po''.
Ang mga engkantada ay mahilig mang akit ng mga lalaking nagagawi sa gubat. Minsan kapag ang lalaki ay tumanggi, siya ay pinaparusahan, minsan nawawala sa sarili o di kaya naman namamatay.
Ang ibang matatanda ay naniniwalang sila ay nagbibigay swerte o kaya tumutulong para malunas ang isang may karamdaman. Ito ang mga itinuturing na mababait na engkanto. Pwede ring humiling kapag ikaw ay nagbigay galang at respeto sa kanila. Ang madalas gumawa ng mga ganitong ritwal ay ang albularyo. Kapag ikaw ay naging mabuti sa kanila, sila din sayo. Pagkakalooban ng magandang ani, pangangatawan at swerte.
#8: Guest #1274 (Shell) - at 14:00 on 26 Dec 2021
Meron naka kita na clairvoyant na engkanto nag bigay nag sakit sa amin sa anak ko po o baby.. Anong pwede po gawin? Panagang? Ritual? Maraming Salamat. 09173116157
#7: Guest #1128 (Marian) - at 16:42 on 02 Jun 2020
Hindi po ito kwento kundi katanungan o pag papaliwanag po na maaaring tulungan ako ng mga mas nakakaalam na mas maipaliwanag pa.
Ako po si Marian, simula bata pa po ako, talagang batiin na po ako ng mga engkanto. Unang karanasan ko po ay sa bahay ng lola ko na kung saan doon na kami nakatira kasalukuyan. Unang siguro ang edad ko ay 3 or 4 ay palagi akong kumakanta. Isa pong pag lilinaw sa bahay ponng lola ko dati ito po ay matatagpuan sa baba ng bundok. Napapaligiran po ito ng mga punong kahoy at medyo malayo ang mga kapit bahay. Pag katapos ko pong kumanta ay kinabukasan nagising ako na ang bibig konay puno ng singaw. Sobrang hapdi po na hanggang sa di na ako makakain. Yun po ang unang karanasan ko sa bati, nasundan po iyon ng nabati po ulit ako at ang bibig ko nanaman ang pinuntirya, nagising nanaman ako isang araw na ang sa bibig na pinalilibutan ng singaw, nakakailang ulit na po ang ganyang pang yayari at ngayon ngayon lang po nabati nanaman ako. Labi ko nanaman ang nadali, nag karoon po ako ng di maipaliwanag na sugat sa aking labi na ang hapdi at ang katim at patuloy po itong lumalala. May oras pa po na umabot pa sa di maipaliwanag na lagnat o sakit ang natamo kasi nung bata ako may gustong makipag kaibigan saakin. Pati sa panaginip ko nakita ko sya sa anyo ng itim na aso. Sabi ng mga albularyo saakin ako raw ay batiin. Ang buhok ko raw ang minsang dahilan kung bakit ako nababati. Gusto ko lang po maliwanagan kung paano po masasabi na ang isang tao ay lapitin ng mga engkanto? Kailangan na kailangan ko po ng inyong mga sagot. Gusto ko rin po tanungin ang mga may kakayahan kung ano po ang dapat ko na gawing panangga upang hindi na po maulit saakin ang mga ganitong pang yayari
#6: Guest #1108 (Chomel) - at 17:52 on 15 Apr 2020
May kwento rin ako, di ko alam kung ano ba talaga yung nag tago sakin nun,kung bat di ako makita ng mga nag hahanap sakin,5 years old palang ako pero tandang tanda ko pa.Kakamatay lang ng papa ko at medjo wala sa sarili ang mama ko,busy silang lahat.May sinundan akong lalake ang pagkaka akala ko talaga ay papa ko,naka sunod lang ako sa likod nya hindi sya tumitigil sa paglalakad,napansin ko nalang na bigla syang nawala at ako nalang mag isa sa gubat umaga pa yun di pa ako natakot,nag enjoy ako sa gubat mag lakad at nag laro mag isa kahit di ko alam kung saan ako papunta,pero na papansin ko na pa balik balik lang ako sa dinadaanan ko para di naman ako nakaka alis haggang sa gumabi,bigla na akong natakot nung mawala na ang araw at nag start nang mag ingay ang mga ibon,saka ko pa lamang naalala umuwi,na nginginig ako sa takot nilalamig ako at iyak ng iyak nako hanggang sa gusto ko umihi dahil sa takot.Hinubad ko ang pantalon para umihi tapos naging mas maingay na ang mga ibon di ko alam kung bakit hanggang sa sumigaw ang ate ko at nahanap nya ko habang umuihi pag tayo ko ay naiwan ang sintoron ko sa mga paa kaya ang akala nila ay nakipag laro ako sa mga ibang bata at tinalian ang paa ko para di maka alis,pero nag tataka sila kung bakit di nila ako makita duon mula umaga kahit ilang beses na silang pa balik balik,hindi sila naniniwala sakin sa aking pinag daanan kaya di ko nalang pinilit,basta ang alam ko nung nag hubad ako bago nila ako nakita yun ang susi para maka wala ka sa pagka tago ng engkanto or kung ano man.
#5: Guest #1038 (Angela) - at 05:00 on 23 Jan 2019
Maniniwala ka ba pag sinabi ko sayong may LOLA akong nagustuhan at kinuha ng engkanto?.
Kwento to sakin ng lola ko, (mama ng papa ko). Bata palang daw ang ate nya ng may kalalakihan ng bumibisita sa labas ng bahay nila. At minsan pa daw ay sumisilip ang mga ito sa butas ng dingding nila. Nalaman ko rin takot ang mga engkanto sa lampara. Many years had pass.. At nag asawa na raw ang lola ko. Buntis sya noon ng tumira sila sa bundok ng asawa nya.. Sila daw muna noon yung nagbabantay ng mga kalabaw. Isang araw, nag laba daw ito sa ilog kasama yung lolo ko. Umalis daw muna yung lolo ko pero pag balik nya doon sa ilog ay wala doon yung lola ko, naghanap sya at nakita nya ito sa likod ng malaking bato...pag katapos daw ng mga pangyayaring yun, isang araw habang nagpapahinga yung lola ko at naka dungaw sa bintana, may nakita daw syang taong nakatayo sa di kalayuan, parang naweweirdohan sya kasi nakatitig talaga patungo sa kanya kaya tinawag nya yung lolo ko. Nag tanong sya kung nakikita ba nito yung taong nakatingin sa kanila pero sabi ng lolo ko hindi daw.
To make the long story short.. Habang nagbubuntis yung lola ko, binabalikan na naman sya nung engkanto. Isang araw nag kasakit sya at isinugod sa ospital.. Aware na silang lahat sa nangyayari.. Nag babantay daw yung lolo at pagod na pagod na, gabi na nun. Ayaw nyang matulog pero pinilit daw sya ng lola ko na matulog... At yun nga natulog sya. Ang hindi nya alam, paraan lang yung ng engkanto dahil kukunin na nila yung lola ko. Sabi pa daw noong nurse na parang may kausap daw yung lola ko ng mapadaan sya, siguro daw ay ayos na ang nararamdaman nito. Pero noong sumilip sya, nakakita daw sya ng mga taong nakaputi ang damit...
At kinaumagahan, wala na ang lola ko..
#9: Guest #1494 (?) - at 06:41 on 05 Mar 2023
This comment is awaiting moderation