Todos Los Santos / Araw ng mga Patay o Undas
Ang araw ng mga patay ay ipnagdiriwang ng buong mundo tuwing Ika-2 ng Nobyembre. Bago ito, sa unang aaraw ng buwan ay ipinagdiriwang muna ang Araw ng mga Santo o kilala sa tawag na Todos Los Santos. Taun-taon nagiging abala ang lahat sa preparasyon para sa taunang pagdiriwang. Ang bawat pamilya ay naghahanda, kabilang na sa kanilang paghahanda ay ang pagpunta sa sementeryo bago ang araw ng mga patay. Ito ay upang linisin ang puntod ng kanilang mahal sa buhay. Nililinisan at pinipinturahan nila ito. Kailangang malinis ito bago ang nasabing okasyon.
Todos los Santos ang unang ipnagdiriwang ng mga mamamayan. Kilala din sa tawag na Pista ng mga Santo. Ito ay upang gunitain ang mga namayapang banal o martir. Sa Pilipinas, nagsisimula sa araw na ito ang pagbisita sa mga puntod ng mga namayapang kamag-anak. Sa panahon ngayon, nakaugalian na at naging pamoso ang trick or treat sa mga mall o kaya sa mga bahay-bahay. Isa ito sa mga aktibidad na isinasagawa sa araw na ito. Marami din ang nagpapalabas ng mga nakakatakot na pelikula sa mga sinehan. Pagdalaw sa mga haunted house at iba pang pwedeng pagka abalahan ng mga pami-pamilya.
Samantala, ang iba ay nag-aalay ng pagkain sa loob ng kanilang bahay. Dahil sila ay naniniwalang ang kaluluwa ng kanilang mahal sa buhay ay dumadalaw din sa kanilang tahanan.
Tuwing araw ng mga patay, karananiwang nag aalay ng misa pasa sa kanilang mga yumaong kamag-anak. Bumibisita sa sementeryo upang mag alay ng bulaklak, panalangin, pagtitirik ng kandila, ang iba ay nagdadala ng kanilang mga inihandang pagkain upang pagsaluhan sa puntod ng kanilang yumaong kamag-anak. Nananatili sila sa semeteryo hanggang matapos ang maghapon o buong gabi, naniniwala sila na ang kaluluwa nila ay nasa paligid lang at nakikihalubilo sa kanilang pagdalaw.
Ang kamag-anak ng namayapa ay nagdadala ng mga bagay na mahalaga sa namayapa, kagaya ng pagkain, bulaklak, larawan, damit at iba pa. Dahil sa Pilipinas, isa ito sa mahalagang okasyon, namamalagi sila sa puntod sa buong maghapon o kaya naman magdamag. Ang kanilang libangan ay ang paglalaro ng cards, kantahan(karaoke), pagkain, at minsan ay nagdadala ng alak at iba pang pwedeng paglibangan.
At dahil pista ng mga patay, sinasabing maraming kaluluwa ang nasa paligid lang. Ang mga taong may third eye ang karaniwang nakakakita o nakakaramdam sa kanilang presensya. Ang mga ligaw na kaluluwa ay patuloy pa rin ang pananatili dito sa lupa, ito ay ang sinasabing sila ay hindi pa nakahandang lisanin ang daigdig.
Para sa mga Kristyano, mahalaga ang mga araw na ito bilang pag gunita sa mga kapamilyang namayapa. Karaniwang ipinagdiriwang ng mga bansang sumasampalataya sa Katolika sa buong mundo. Bilang pag gunita sa mga banal at mahal sa buhay na namayapa.