Pinagmumultuhan Bahay
Basahin Pinagmumultuhan Bahay in English
Naririnig mo ba sila? Yung pakiramdam na hindi ka nag-iisa….. Kinikilabutan ka na ba?
May mga taong nakakakita, nakakaramdam o di naman kaya ay may kakayahang makipag usap sa mga multo o espirito. Bakit tinawag na haunted house kapag ito parang nakakapangilabot lalo kung ito ay matagal nang naitayo o kaya ay inabanduna. Kapag ang bahay o gusali ay pinangyarihan ng malagim na krimen o kamatayan ng isa o maraming iba pa, sinsabing ito ay maaaring tirhan ng mga ligaw na kaluluwa. Ito ang mga kaluluwang hindi pa handang mamatay kung kaya’t sila ay nananatili dito, humihingi ng tulong sa mga mortal na may kakayahang makausap sila. Sila ay nakulong sa pangyayaring hindi pa nila kayang tanggapin. Maaaring sila ay pinaslang at nakaranas ng pagmamalupit mula sa ibang tao. Pinahirapan hanggang sa kanyang kamatayan.
Noong panahon ng giyera, maraming lugar kung saan tumira ang mga maysakit. Isa na rito ang Clark Air Base Hospital, kung saan maraming sundalo ang namatay. Ayon sa mga nakapunta sa nasabing lugar, mararamdaman mo talaga ang kanilang presensya. Boses ng paghikbi na parang sila ay nahihirapan at nasasaktan. Sa palagay ko, kapag ikaw ay nakatuntong sa lugar na ito, tatayo talaga ang balahibo mo sa katawan.
Ikaw ba ay nakapasyal na sa Manila Film Center, CCP Complex Pasay, marami daw mga kaluluwang ligaw ang naninirahan dito. Dahil minadali ang pagtatayo ng gusali, nangyari ang isang aksidente kung saan marami ang nasawing manggagawa. Ito ay ang mga pinaniniwalaang kaluluwa na nagpaparamdam sa loob ng gusali. Creepy huh!!!! Kinailangang matapos ito bago dahil may gagawing event sa nasabing gusali. Hanggang ngayon, naniniwala ang karamihan na isa ito sa tinitirhan ng mga ligaw na kaluluwa.
Dito sa Pilipinas isa ang Baguio City sa sinsabing maraming naninirahang multo o espirito. I remember when we about to go to Baguio, one of my friends told me “mag-ingat ka dun, maraming multo”. Luckily, we stayed in a new building, (hehe..)
May kamag-anak ako sa Quezon City, sila ay naniniwalang may kasama sila sa kanilang bahay. Nabili ito noong 90’s, medyo may kalumaan na ito. Minsan, may pakiramdam silang hindi sila nag-iisa at parang may nagmamasid sa kanila. Ngunit, dahil ito ay harmless, ituring na nila itong kasambahay.
Ang ibang tao ay itinuturing nilang swerte ito sa kanila, kagaya ng aking kamag-anak. Hindi na iba sa kanila kapag sila ay nakakarinig ng kaluskos o kaya biglaang pagbukas at pagsara ng pinto.
Oh, gusto mo bang subukang tumira sa haunted house??
Share your ghost experience with us….
#1: Guest #1048 (LJ) - at 03:35 on 28 Feb 2019
(ito ay totoo promise!)
noong grade 5 palang ako, nagbakasyon kami buong pamilya sa bukid, kung saan nakatira dati ang tatay.
gabi ito nang yari..
tapos na kaming kumain nong gabing iyon, ako ay pina memorize ng tatay ko ng multiplication at banda na ako non sa 12x10=120
"very good",sabi ng tatay ko, kaya pinatulog na ako ng tatay ko kasi memorize ko na daw ang multiplication.
noong patulog na ako hinalikan ko ang aking pinaka bunsong kapatid na bata pa parang 4 yars old palang siyta noon, at laking pagtataka ko na napakainit nito, kaya nagpasya ako na ipaharap siya sa akin.
at napasigaw ako sa aking mga magulang na, "na ano si bibi? ",
agad akong pinansin ng mga magulang ko at tinignan ang bunso kong kapatid na tumitirip ang mata nito at napakainit..
at lahat kami ay lumabas at pumunta sa albolaryo na di gaanong malayo sA amin.
pag dating namin doon sa albolaryo ang tanging na sabi lang nito ay may pumunta daw sa amin na aswang....
#2: Guest #1372 (?) - at 08:51 on 17 Sep 2022
This comment is awaiting moderation