Mangkukulam.comKababalaghan at Alamat

Matruculan

Mangkukulam from Filipino Folklore

Basahin Ito Sa English

Ito ay isa pang uri ng hindi nakikitang nilalang sa mga kwentong mitolohiya ng Pilipinas. Isang masamang espiritu na ang kadalasang biktima ay dalagang birhen. Sa gabi, habang tulog ang mga myembro ng pamilya, ito ay tumatalilis patungo sa kinaroonan ng dalaga. Ang kanyang hangarin ay ang mabuntis ang dalaga. Nagagawa nya ito ng hindi namamalayan ng dalaga sapagkat sya ay hindi nakikitang espiritu. Pagkatapos nito, misteryosong mabubuntis ang dalaga. Babalikan ng matruculan ang dalaga pagkalipas ng ilang buwan. Pinaniniwalaang ang sanggol sa kanyang sinapupunan ay kanyang kinakain, minsan kasama ang ina.

Ang iba namang kwento tungkol, ang mga buntis ay isa rin sa kanilang inaatake. Para maiwasan ito, ang asawang lalaki ay kinakailangang ikampay ang balisong sa itaas ng tyan ng babaeng buntis habang ito ay nanganganak.

Hindi natin mapapansin kung ang matruculan ay nasa loob ng tahanan, sapagkat ito ay hindi nakikita. Kadalasan ay buntis lamang at dalaga ang kanyang pakay.

Kaya mga dalagita, mag-ingat palagi, baka ikaw ay matagpuan nito.

Kwentong Matruculan

Meron kang kwento? Gusto mong share?

Ibahagi Ang Iyong Kwento