Aswang
Basahin Ang "Awang" Sa English
Gabing madilim, kumakahol na aso, ibong malaki, malamig na hangin na dumadampi sa iyong balat, at ang pakiramdam mo ay may sumusunod sayo….
Ano kaya yun? Di kaya, aswang yun???..
Ang aswang ay kwento na nagpasalin-salin sa henerasyon ng mga ninunong Pilipino, lalo na sa mga rural na lugar ng Pilipinas. Kung saan madalang pa ang mga nananahan at makaluma pa ang pamamaraan, pamumuhay at paniniwala ng mga tao.
Mga Panguntra Upang Hindi Malapitan Ng Aswang
Ang aswang ay kalimitang pinaniniwalaang kumakain ng lamang loob ng tao katulad ng puso o atay. Ang iba ay buntis ang ginagawang biktima. Ang sanggol na nasa sinapupunan ng ina ay malakas sa pang amoy ng mga aswang. Sa gabing madilim, sila ay nag aanyong hayop, katulad ng aso, pusa, o ibon upang hindi mamalayan ng mga tao na sila ay nasa paligid lang. Ang sariwang dugo ng tao ang isa sa kanilang pagkain. Karaniwang pangontra sa aswang ay ang bawang o asin. Sinasabitan ng bawang ang bawat sulok ng bahay, bintana at pintuan. Ang asin ay isinasaboy sa may pintuan at iba pang parte ng bahay. Walis tingting ay dapat nakalagay sa may pintuan ng pabaliktad. O kaya ang iba naman ay sa silong ng bahay. Ang makalumang bahay noong unang panahon ay kadalasan may silong.
Mga Panguntra
Ang ibang pangontra na ginagamit ay ang buntot ng pagi.
Bala ng baril o anumang tanso na ginagawang kwintas ng isang buntis ay isa pang pangontra upang hindi makalapit ang aswang. Kapag may narinig na huni ng ibong tikling sa gabi, ito ay nangangahulugang may aswang sa paligid. Kasabay ng walang humpay na pagtahol ng mga aso.
Ang bangkay ay ninanakaw at kinakain ang lamang loob. Ang kamamatay na tao ay isa sa kanilang hinahanap para maibsan ang kanilang pangangailangan.
Mga palatandaan Kung Siya Ba Ay aswang
Sa araw ay isa silang normal na tao. Kung papansinin, kapag sila ay naglalakad at makakasalubong , ang kanilang ulo ay nakatungo at hindi makatingin ng diretso sa tao. Mailap ang mga mata. Bihirang makipag palitan ng usapan. Hindi mahilig makihalubilo sa karamihan. Palaging nasa kanilang tahanan sa araw.
Ang isang aswang ay hindi namamatay ang katawang tao hanggat hindi nya naipapasa o naipapamana ang kapangyarihan sa kanyang anak. Naipapasa lamang ito sa anak na buong puso ang pagtanggap sa kapangyarihan.
Mga Uri Ng Aswang
May aswang na lumilipad at may tinatawag ding aswang na ‘’baklay’’ o ito ay naglalakad lang.
Pangkaraniwang tao sa araw, nag iibang anyo pagsapit ng dilim.
kung gusto nyo malaman ang iba pang pagontra click lang dito
#8: Guest #1459 (?) - at 06:53 on 14 Jan 2023
This comment is awaiting moderation
#7: Guest #1242 (Francheska A lopez) - at 14:53 on 26 Sep 2021
Kung kayo kaya puputa kayo sa bahay na may ulo tapos kaibiga mo di mo alam na aswang pala xa kaya pag nakita mo xa na hindi xa kumakain ng bawang at asin na kanin wag kang lalapit sa kanya ha. Ku hindi mamamatay ka sa ayon meron kang kwento Gusto mong i share
#6: Guest #1190 (Mike) - at 01:07 on 17 Mar 2021
Ang kwento ko marami ditto sa amin ang haka haka sa aswang, totoo kaya ang mga ito?
#5: Guest #1092 (Mackie) - at 05:00 on 14 Dec 2019
Ako po ay nag lalakad isang gabi para kitain ang nobyo ko sa labas ng aming sabdivision bandang alas diyes pasado ng gabi dun sa subdivision na un is me kalahating lugar na me mga nakatirik na mga squater bale dun ako napadako sa kadahilanang sa aking pakiwari ay mas mapapdali kong marating ang labasan ng subdivision...napadaan ako sa lupang nakatiwangwang sa gilid ng gater at puro matataas na talahib lang...napuna ko sa talahib me sumusunod sakin sa kadahilanang kada ako ay lalakad ay ganun rin ang tunog ng talahib kung ako ay hihinto ay hihinto rin ang tunog ng talahib di ko maintindihan kung ano meron sa talahib pakiramdam ko ay isang malaking anaconda sa sobrang bilis at ang pag hawi at tunog ng talahib so bale maka ilang ulit ng ganun ng ganun ang aking naririnig kung ako ay hihinto sa aking pag lakad ay ganun rin ang talahib, ang aking ginawa ay lumipat ako sa isang kabilang kalsada dahil iba na ang aking pakiramdam...napapabalita pa naman na dun sa mga squater area is hindi na yun mga lihitimong taga Laguna ang mga nakatira sila ang mga dayo na lang na sumulpot sa Laguna, ito ay nangyari mga taong 1999. Pasensha na at kung hindi ko man naibahagi ng ng maayos ang aking kwento sa kadahilanan ito ang unang pag kakataon kong maibahagi ang aking karanasan...
#9: Guest #1461 (?) - at 13:37 on 04 Feb 2023
This comment is awaiting moderation