Sirena
Ang sirena ay nilalang sa karagatan na kalahating tao at kalahatng isda.
Sa alamat tungkol sa sirena,ito ay isang napakagandang mukha ng babae, napakahabang buhok, malamyos na tinig. Sya ay nakatira sa pusod ng karagatan, kasama ang Dugong at iba pang nilikha sa dagat. Sila ang itinuturing na taga pangalaga ng karagatan pati na ang yaman nito.
Sa dagat sila ay may kaharian na puno ng yaman.
Sinasabi na ang mga sirena ay galit sa tao, dahil patuloy ang paghuli at pagsira sa yamang dagat na kanilang kinabibilangan.
Sa tuwing bilog ang buwan sila ay lumalabas at naghahanap ng manlalakbay o mangingisda sa dagat, inaakit nila ito sa pamamagitan ng kanilang malamyos na tinig. Kasama ang iba pang sirena, nagtatawanan, umaawit at sadyang inaakit nito ang mga lalaki. Hanggang sa tuluyang mahulog sa patibong ng sirena. Ang lalaki ay tuluyang maaakit dito, patuloy ang kanyang paghahanap sa tinig, hanggang sa makalapit. Habang naghihintay ang mga sirena, at aakayin papunta sa knilang kaharian sa ilalim ng dagat. Ang kanilang reyna ay gagawin syang asawa. At hindi na makakabalik sa lupa.
Sa ibang kwento tungkol dito, kapag sila ay umibig sa tao, ay ipagkakaloob nya dito ang lahat ng kanyang yaman. Ang luha ng sirena ay mahiwaga, kapag ikaw ay natuluan nito, ikaw ay mabibiyayaan ng buhay na walang hanggan.
Ang iba pang istorya tungkol dito, ang lalaking nakatakas mula sa mga sirena ay nawawala sa katinuan o kaya ay namamatay bago pa sya makapaglahad ng kanyang karanasan kasama ang mga sirena.
Kung ang sirena ay galit sa mga tao, ganundin ang tao. Itinuturing nila itong salot sa karagatan. Kapag ang isang mangingisda ay walang huli, ibig sabihin nito ay pinarusahan sya ng sirena. Ang mga kalamidad sa karagatan ay pinaniniwalaang kagagawan ng mga sirena.
Sa kwento ng sikat na sirena sa pilpinas na si Dyesebel,
sya ay may perlas na ginagamit para mag anyong tao. Umibig at nabigo sa isang lalaki. At dahil sa sumpa, sya ay kinailangang bumalik sa dagat at maging sirena habang buhay.
#1: Guest #974 (tricia mae g pacana) - at 12:34 on 20 Jul 2018
mayroon pa bang ibang story tunkol kay sirena
#2: Guest #1203 (Miss) - at 17:05 on 18 Apr 2021
Helo, gusto ko ang din pong ibahgi ang aking karanasan tungko sa sirena. Ako po ay babae, isang araw nanaginip po ako ng sirena yung cartoon character and nung babaeng masama sa little mermaid, sila daw po ay lumabas sa isang napakalalim na pagdaluyan ng tubig hanggang sa nagcrack daw ang semento nito at lumabas yung masamang babae. Natatandaan ko lasi, bago ko napanaginipan yon, yung lalakeng naki cr sa amin ay isa pala syang mangkukulam hindi ko alam kung anong ginawa nya don kasi ang rason nya natatae daw siya. Tas after non lagi na din akong nababangungit at nakakapanaginip about sa sirena. Kinabukasan ay yung tubig namin ay biglang dumumi yung paglabas ng tubig hanggang sa wala na itong mailabas. Pinatingin din namin sa magtratrabaho at may nakita silang tinik ng ahas at don na ko nagtaka na siya ang may kagagawan non nung laakeng naki cr sa bahay namin.